EMPLEYADO NG DRSTMH MAY MALIGAYANG PASKO AT MASAGANANG BAGONG TAON DAHIL MATATANGGAP NA NILA ANG KANILANG HEALTH EMERGENCY ALLOWANCE

Kalibo, Aklan – Kinumpirma ni Dr. Cornelio BONG Cuachon Jr., Officer-In-Charge ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH), na ang non-medical, medical, job orders, contract of service workers, doctors personnel at mga security guards ay makakatanggap ng Health Emergency Allowance (HEA). Sa ngayon umano hinihintay na lamang nila na matapos ng Provincial Accounting Office ang kanilang ginagawang audit. Apat na buwan aniya ang matatanggap na HEA ng nasabing mga empleyado, Hulyo, Agosto, Oktubre at Nobyembre. Naipasa na umano nila noon pang Oktubre 20, 2023 sa Provincial Accounting Office ang payroll at iba pang requirements at pinoproseso na ito ng nasabing opisina. P30 million ang tinatayang matatanggap na HEA para sa lahat ng empleyado ng DRSTMH. Nilinaw ni Dr. Cuachon, na nakadepende sa Covid Risk Exposure Classification ang halaga na matatanggap ng bawat empleyado. Ang empleyado umanong naka assign sa covid ward ay mapapabilang sa high risk exposure classification na makakatanggap ng P9,000 kapag nasa admin ay mapapabilang sa moderate risk exposure classification na makakatanggap naman ng P6,000 ang mga ito.
Facebook Comments