Estudyante patay matapos matusok ang leeg sa nakaparadang kuliglig sa Pozorrubio

225

Patay ang 16 taong gulang na estudyante matapos matusok ng bakal ang leeg nito sa nakaparadang kuliglig sa Brgy. Imbalbalatong, Pozorrubio Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si John Imbat, isang grade 9 student.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaro noon si Imbat ng basketball kasama ang mga kaibigan nito.
Hinabol umano ni Imbat ang bola na umabot sa nakaparadang kuliglig na hindi nito napansin.
Nawalan ng balanse si Imbat na dahilan upang matusok ang leeg nito sa hawakang bahagi ng naturang kuliglig.
Nagtamo siya ng sugat sa leeg na agad namang isinugod sa ospital ng mga kalaro nito ngunit dineklarang dead on arrival.
Magbibigay naman umano ng boluntaryong tulong ang may ari ng kuliglig.

Facebook Comments

From Advertisers