Tuesday, April 14, 2026

Excise tax sa diesel at gasolina, hindi muna sususpendihin — pamahalaan

Hindi muna babawasan o sususpindihin ng pamahalaan ang buwis sa diesel at gasolina matapos ang pagsusuri ng Department of Finance (DOF) at ng UPLIFT Committee.

Sa Malacañang press briefing, ipinaliwanag ni Finance Usec. Karlo Fermin Adriano na kailangang mag-ingat ang gobyerno sa paggastos, lalo na’t may nauna nang hakbang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin muna ang buwis sa LPG at kerosene.

Dahil dito, tinatayang nasa ₱4.1 bilyon agad ang mawawala sa kita ng gobyerno sa loob ng tatlong buwan.

Kung isasama pa ang diesel at gasolina, posibleng umabot sa ₱43.6 bilyon ang mawawalang kita, kaya hindi aniya ito nakikitang praktikal sa ngayon.

Sa halip, tutok ang pamahalaan sa “targeted ayuda” o tulong na diretso sa mga pinaka-apektado.

Dagdag pa ni Adriano, mas maraming mayayaman ang gumagamit ng diesel kaya mas makabubuting ituon ang ayuda sa mga nangangailangan.

Facebook Comments