Wednesday, July 29, 2026

Face-to-Face Classes sa Antipolo City at Cainta, Rizal, suspendido dahil sa LPA

Ipinag-utos ni Antipolo City Mayor Jun Andeng Ynares ang pagsuspinde sa face-to-face classes sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod ngayong Miyerkules, July 29.

Ito ay dahil umano sa nabubuong Low Pressure Area (LPA) sa Albay na inaasahang magdadala ng mga pag-ulan ngayong Miyerkules, July 29.

Dahil dito, magsi-shift muna ang mga paaralan sa nasabing lungsod sa alternative delivery modes, gaya ng modular, online, o hybrid.

Suspendido rin ang face-to-face classes sa mga paaralan sa Cainta, Rizal base sa anunsyo ni Cainta Mayor Johnielle Keith Pasion.

Samantala, dito naman sa ilang bahagi ng Quezon City ay bahagyang may pag-ambon pero wala pa namang anunsyo ang QC Government kaugnay ng suspensyon ng klase.

Facebook Comments