Blackwater import Greg Smith, handang maging bahagi ng Gilas Pilipinas

55

Manila, Philippines – Handa raw ang dating NBA player at ngayo’y import ng Blackwater na si Greg Smith na maging naturalized Filipino citizen para sa Gilas Pilipinas.
Matapos ang training ng gilas sa Meralco Gym kagabi,sinabi ni Smith na hindi siya magdadalawang-isip sakaling kunin siya bilang bahagi ng national basketball team.
Tingin din niya, magiging eksakto siya sa sistema ng paglalaro at mga set plays ng Gilas.

Ikinatuwa naman ni Coach Chot Reyes ang magandang performance ni Smith sa practice na aniya’y posibleng makasabayan ni Jun MarFajardo pagdating sa international league.
Photo from: Spin.ph

Facebook Comments