Quezon, Isabela – Inaresto ng mga otoridad ang akusado na may labin dalawang kaso ng estafa sa Barangay Abut, Quezon, Isabela.
Kinilala ang akusado na si Jocelyn Cabalo Valdez, limampung taong gulang, may asawa at residente ng nabanggit na lugar.
Sa impormasyong ibinahagi ng PNP Quezon, ang pagkakaaresto kay Valdez ay pinangunahan ni Police Senior Inspector Joesbert Asuncion, Deputy Chief of Police ng Quezon Police Station, sa bisa ng labin dalawang warrant of arrest sa kasong estafa.
Apat na warrant arrest mula sa MTC Solano Nueva Vizcaya, dalawa sa MTC Santiago City, dalawa rin sa RTC Branch 5 Tuguegarao City, isa mula sa MCTC Luna, Pudtol-Calanasan Apayao, isa mula sa MTC Bambang Nueva Vizcaya, isa sa Quirino Roxas Isabela at dalawang kaso ng estafa sa MTC Santiago City.
Samantala makakalaya lamang si Valdez kung makakapaglagak siya ng piyansa na umaabot sa isang daan at tatlumpu’t siyam na libong piso (Php139,000.00) na sa ngayon ay nasa himpilan ng Quezon Police Station para sa tamang disposisyon.