Ginebra Coach Tim Cone, paghahandaan pa rin ang nalalapit na quarterfinals kahit pa number one sa team standings

Manila, Philippines – Nasungkit ng barangay Ginebra San Miguel ang top spot sa team standing ng PBA Commssioner’s cup matapos na talunin ang Meralco Bolts sa score na 90-89.

Nanguna sa panalo sina L.A. Tenorio at import Justin Brownlee na kapwa mayroong 22-points.

Ayon kay Ginebra Coach Tim Cone, nahirapan sila sa naging laro kontra Meralco kung saan hindi daw sapat na nasa unang pwesto ng standings na may 8-2 win/ loss record dahil aniya magsisimula pa lamang ang tunay na laban para makuha ang kampeonato.


Ikinatuwa din ni Cone ang ginawang pag-step up ng kaniyang mga local players tulad nina Sol Mercado na may 14-points at Japeth Aguilar na may 11-points.

Sunod naman makakaharap ng Ginebra ang Mahindra Enforcers sa pagtatapos ng elimination round sa darating na June 2 (Friday) sa Araneta Coliseum.

DZXL558

Facebook Comments