Overcrowded pa rin na maituturing sa mga pasyente na may COVID-19 ang lahat ng mga government hospitals na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) kahit may pagbaba na ng reproduction rate ng virus.
Sinabi ni QC Health Officer Dr. Rolly Cruz, punuan pa rin ang mga ICU bed, emergency bed at ward bed sa tatlong pagamutan ng QC.
Ang Dr. Rosario Maclang Bautista General Hospital, 139% occupied ang lahat ng kama habang nasa 98% ang okupado sa QC General Hospital at 160.40% naman ang Novaliches District Hospital.
Pero sabi ng QC Health Department, unti-unti ng nababawasan ito kung ikukumpara sa mga nakaraang linggo.
Samantala, bumaba na rin sa 51.01% ang occupancy rate ng mga community caring facilities ng QC.
Sa labing dalawang caring facilities ng lungsod, tanging ang HOPE 2 at HOPE 4 na lamang ang may mataas na kaso ng COVID-19.
Sa ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), 147,019 ang kabuuang gumaling sa lungsod mula sa pagkahawa sa virus.