GRAFT CASE | Davao Del Norte Rep. Antonio Floirendo, ipinaaaresto ng Sandiganbayan

Manila, Philippines – Ipinaaaresto na ng Sandiganbayan si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo.

Base sa warrant of arrest na pirmado ng mga mahistrado ng 6th division ng anti-graft court inatasan na nito ang mga otoridad na arestuhin si Floirendo.

Nagrekomenda naman ang korte ng P30,000 pyansa para sa pansamantala nito kalayaan.


Si Floirendo ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa pinasok nitong kontrata o joint venture agreement sa Bureau of Correction na may kaugnayan sa TADECO banana plantation.

Nilalabag umano ni Floirendo ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act kung saan ipinagbabawal ang sinumang incumbent official na pumasok sa anumang kontrata o transaksyon sa gobyerno.

Facebook Comments