Cauayan City, Isabela- Sumiklab kagabi ang sunog sa 10 ektarya ng grassland sa Barangay Dilag, Tabuk City, Kalinga.
Agad namang rumesponde ang BFP matapos makatanggap ng tawag sa isang residente ng Sitio Basao dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy malapit sa mga kabahayan.
Ayon kay Senior Inspector Ronald Rivera, Acting City Fire Marshal, hinihinalang dahil sa pagsusunog ng basura ng isang residente ang dahilan ng pagkalat ng apoy at dahil na rin sa matinding lakas ng hangin.
Magsasagawa naman ng pangalawang imbestigasyon ang mga otoridad para tukuyin ang halaga ng pinsala ng sunog.
Panawagan naman ng BFP sa publiko na makipagtulungan na huwag magsunog ng basura dahil mahigpit itong ipinagbabawal.
Iwasan rin umano ang pagsusunog sa mga kabundukan dahil kamakailan ng respondehan rin nila ang insidente ng sunog sa Sitio Callagdao.