
Nagsagawa ng kilos-protesta ang grupong Gabriela sa kahabaan ng Kalaw Avenue sa lungsod ng Maynila.
Ito’y para ipanawagan ang kanilang pagtutol sa planong pagtatayo ng s sa bansa.
Giit ng Gabriela, hindi malinaw at hindi rin maipaliwanag kung makatutulong ba ito sa bansa o baka magamit para sa pansariling interes lamang.
Bukod dito, tutol ang grupo at hindi welcome si US President Donald Trump sa pagbisita sa bansa para dumalo sa nalalapit na ASEAN Summit 2026.
Paliwanag ng grupo, hindi nararapat si Trump sa bansa dahil hindi nito nirerespeto ang sektor ng LGBTQ+.
Muli nilang inihirit na ibasura na ang pagpapatupad ng Visiting Forces Agreement (VFA), gayundin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), lalo na’t hindi umano nakatutulong ang mga ito at nalalagay sa alanganin ang sitwasyon sa bansa.










