Monday, November 9, 2026

Bagong Chief Justice Rodil Zalameda, nanumpa kay PBBM sa Malacañang

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial oath of office ng bagong Supreme Court Chief Justice na si Rodil Zalameda.

Isinagawa ang seremonya sa Malacañang ngayong umaga na dinaluhan ng pamilya ng bagong Punong Mahistrado at ilang oposyal sa Hudikatura.

Ayon sa Palasyo, kinakailangang maihatid ang patas, mabilis at hindi naaatalang hustisya para sa bawat Pilipino.

Si Zalameda ang pinili ni Pangulong Marcos Jr. bilang kapalit ng nagretirong si dating Chief Justice Alexander Gesmundo noong Biyernes.

Kabilang sa mga patuloy na hamon sa Hudikatura ang reporma para sa hustisya, mga backlogs sa kaso at pagtiyak na nasosolusyonan agad ang mga kaso para sa proteksyon ng bawat isa at pagpapalakas sa tiwala ng publiko sa justice system.

Facebook Comments