Grupong Piston, maglulunsad ng nationwide strike

Maglulunsad ng dalawang araw na Nationwide Transport Strike ang grupong PISTON.

Ayon sa PISTON, isasagawa nila sa December 14 at 15 ang kanilang tigil-pasada.

Paliwanag ng PISTON, maliban sa Metro Manila ay lalahok din umano ang mga tsuper sa Southern Tagalog maging sa Central Luzon.


Sabi ni PISTON President Mody Floranda, hangga’t hindi ibinabasura ang Modernization program at Consolidation deadline sa December 31, hindi sila titigil sa pagsasagawa ng kilos-protesta.

Ito ay lalo pa’t papatayin umano na rin ang kanilang kabuhayan pagsapit ng Enero sa susunod na taon.

Lalahok din sa kilos-protesta ang iba’t ibang militanteng grupo gaya ng Kilusang Mayo Uno o KMU.

Facebook Comments