Iba pang OFWs sa Egypt, hinihikayat na magparehistro sa Philippine Embassy sa harap ng kaguluhan sa mga karatig nitong bansa

Nananawagan ang Philippine Embassy sa Egypt sa Filipino community doon na magpatala sa embahada.

Ayon sa Philippine Embassy, hindi na dapat pang hintayin na magkaroon ng krisis bago magparehistro sa kanila.

Sa ngayon, mayroon nang 2,101 overseas Filipinos sa Egypt ang nagparehistro.


Ang hakbang ng Philippine Embassy sa Cairo ay sa harap ng kaguluhan sa mga karatig na bansa ng Egypt kabilang na ang Sudan, Israel, at Gaza.

Facebook Comments