Itinanggi ng Commission on Elections (COMELEC) ang ulat ukol sa umano’y hacking incident sa kanilang servers.
Sa isang Tweet, iginiit ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na “fake news” ang ulat ng Manila Bulletin (MB) na napasok ng mga hacker ang server ng poll body at nakapag-download ng 60-gigabytes na mga data.
Aniya, paano maha-hack ang kanilang mga server gayung wala pa silang mga Personal Identification Numbers o PIN base na rin sa kanilang Information and Technology Department (ITD) director.
Nauna nang inulat ng Manila Bulletin nitong Enero 8, na-hack ang servers ng COMELEC at na-download ang mga sensitibong file, kabilang ang usernames at PIN ng vote-counting machines.
Facebook Comments