DOH, nakapagtala ng higit 32,000 na kaso ng ngayong araw

68

Nakapagtala ng 32,246 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 28,007 na kaso kahapon.

Dahil dito, umabot na sa 3,058,634 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 208,164 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 5,063 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,797,816 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 52, 654 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 144 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 10 habang may labing isang laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments