
Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tuluyan nang naapula ang sunog sa Navotas landfill matapos ang ilang linggong operasyon ng pamahalaan at pribadong sektor.
Ayon sa Pangulo, nagtulungan ang mga bumbero, lokal na pamahalaan, environmental teams, Department of Public Works and Highways (DPWH), Department of Tourism (DOT), at mga pribadong kumpanya para mapigilan ang paglala ng sunog at maprotektahan ang mga residente sa paligid ng landfill.
Nagbigay rin ng technical assistance maging ang pamahalaan ng Japan.
Bagamat kontrolado na ang sunog, sinabi ng pangulo na tuloy pa rin ang 24 oras na pagbabantay sa lugar.
Kabilang dito ang pagsusuri sa kalidad ng hangin at tubig, thermal scanning para matiyak na wala nang natitirang apoy sa ilalim ng tambakan, at health monitoring sa mga residente at responders.










