
Patuloy na pinaiigting ng Philippine National Police (PNP) ang kampanya nito laban sa mga loose firearms sa buong bansa.
Sa tala ng PNP mula January 1 hanggang April 30 ngayong taon, nakapagrecord ang pulisya ng kabuuang 4,038 na mga indibidwal na naaresto kaugnay ng paglabag sa loose firearms.
Sa kaparehong period, nasa higit 12,000 na mga baril ang naitalang nakumpiska, sinurrender, at narekober sa mga operasyon.
Habang nasa higit 1,000 na mga baril naman ang boluntaryong tinurn-over para ipatago at para sa tamang disposisyon.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang mataas na bilang ng mga boluntaryong nagsurrender ng kanilang mga armas ay maliwanag na indikasyon ng malakas na tiwala ng publiko sa pulisya at sama-samang pagsisikap para sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bansa.










