HALALAN | PNP Iligan, wala pang nahuli sa na lumabag sa ipinapatupad na COMELEC gun ban

7

Iligan City – Wala pang nahuli sa paglabag ng gun ban ang kapulisan sa lungsod ng Iligan.

Ito ang kinumpirma ni PNP City Director Police Senior Superintendent Leony Roy Ga matapos na ipinatupad nila ang COMELEC gun ban sa pagsisimula ng election period noong araw ng Sabado para sa paghahanda sa darating na SK at Barangay Election.

Ayon kay Ga, maliban sa checkpoint na kanilang inilagay may mga mobile checkpoint ang bawat police station na siyang maglilibot sa kanilang area of responsibility.

Isa ang COMELEC gun ban na ipinapatupad ng COMELEC at PNP sa paghahanda ng eleksyon para maiwasan ang hidwaan at gulo.

Nais ni Ga na makamit ang katahimikan at mapanatili ang kapayapaan sa lungsod ng Iligan sa darating na halalan.

Facebook Comments