HALOS 6K INDIBIDWAL SA DAGUPAN CITY, FULLY-VACCINATED NA

UMABOT na sa halos 6,000 indibidwal ang fully vaccinated o nakatanggap na ng ikalawang dose ng kanilang COVID19 Vaccine sa lungsod ng Dagupan.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, nasa 5, 998 na ang kabuuang bilang ng fully vaccinated.
3,799 dito ang mula sa A1 o mga frontliners, 2, 142 mula sa mga Senior Citizen at 57 sa mga adults with comorbidities.
Nasa 23,224 na COVID-19 Vaccine ang naideployed ng lokal na pamahalaan sa mga eligible group dito.
Samantala, tuloy-tuloy ang isinasagawang pagbabakuna sa mga Eligible group sa Vaccination Facility ng lungsod sa People’s Astrodome.
Sa ngayon, nanatiling bukas ang registration para sa mga A1, A2 at A3 priority groups kung saan maaring magparehistro sa vaccine.dagupan.gov.ph upang makakuha ng schedule.

Facebook Comments