Halos 7,000 indibidwal apektado nang pananalasa ng Bagyong Obet

Umaabot sa 38 barangay sa Region 1 at Region 2 ang naapektuhan ng Bagyong Obet.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 2,001 pamilya o 6,943 na mga indibidwal ang naapektuhan ng bagyo mula sa mga nabanggit na rehiyon.

Sa Region 1, limang barangay ang apektado kung saan 35 pamilya ang naapektuhan habang sa Region 2 naman ay 33 barangay at nasa halos 2,000 pamilya ang naapektuhan.


Base pa sa datos ng NDRRMC, 23 mga evacuation centers ang pansamantalang tinutuluyan ng 282 na pamilya o 902 katao habang ang nasa 122 na pamilya ang pinili na lamang makituloy pansamantala sa kanilang mga kamag anak.

Samantala, dalawa ang naitala ng Cagayan PDRRMO na nasawi mula sa Cagayan pero patuloy pa itong beneberipika ng NDRRMC.

Facebook Comments