HALOS 70K HALAGA NG SHABU, KUMPISKADO SA ISANG LALAKI SA BUY BUST OPERATION SA DAGUPAN CITY

Umaabot ng halos pitumpong libong piso ang halaga ng shabu na nakumpiska ng mga otoridad sa isang lalaki sa Buy Bust Operation sa Dagupan City.
Ang suspek ay nakilalang si Florentino Tentenilla residente ng Bonuan Binloc lungsod ng Dagupan.
Ikinasa ang Buy Bust Operation laban sa suspek pasado alas sais ng Gabi na nag resulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng sampung gramo at nagkakahalaga ng mahigit 68k.

Inihahanda na Ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |ifmnews
Facebook Comments