Isang kongresista, hindi kuntento sa resulta ng imbestigasyon ukol sa pagkasunog ng Manila Central Post Office

Hindi sapat para kay Manila 3rd District Representative Joel Chua ang resulta ng imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection at PhilPost na isang sumabog na battery ng sasakyan ang sanhi ng pagkasunog ng Manila Central Post Office.

Giit ni Chua, dapat din itong silipin ng National Historical Commission at dapat ikonsidera din ang GSIS insurance investigation report.

Para kay Chua, dapat alamin kung sino ang naglagay, at bakit inilagay ang battery ng sasakyan sa Mega Manila Storage Room ng central post office kung saan naka-imbak din ang iba pang mga gamit na madaling lumiyab.


Diin ni Chua, ito ay malinaw na paglabag sa fire safety and workplace safety laws and regulations.

Sa tingin ni Chua, may mga tauhan o opisyal ng Manila Central Post Office ang nagkaroon ng kapayaan kaya naganap ang sunog.

Facebook Comments