HELPER, TIMBOG SA PAGBEBENTA NG MARIJUANA SA CAUAYAN

Cauayan City – Sa kulungan ang bagsak ng isang helper matapos maaresto dahil sa pagbebenta ng Marijuana sa Brgy. Tagaran sa lungsod ng Cauayan.

Sa isinagawang Anti-Illegal Drug Buy-bust Operation ngayong ika-23 ng Pebrero, nadakip ang suspek na si alyas “Chan”, 21-anyos, helper, at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Nabenta ni alyas “Chan” sa poseur buyer ang dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng Marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P1,200.00.


Nakuha rin sa pag-iingat ng nadakip ang perang ginamit sa operasyon at isang cellphone.

Matapos ang isinagawang operasyon, dinala ang mga nasamsam na ebidensya sa himpilan ng Cauayan City Police Station kasama si alyas “Chan” na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments