
CAUAYAN CITY- Malamig na rehas ang hinihimas ngayon ng isang lalaki matapos masakote ng mga otoridad na nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot sa Ilagan City, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jim”, nasa wastong edad, at residente ng nasabing probinsya.
Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) pakete ng hinihinalang shabu, isang piraso ng genuine P1000 peso bill kasama ang siyam na pirasong 1000 boodle money.
Dinala ang suspek sa pagamutan para sa medikal na pagsusuri at hindi kalauna’y dinala sa himpilan ng Ilagan City Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.
Facebook Comments