Hepe ng pulisya sa lungsod ng Pagadian, ipinaliwanag kung bakit sarado ang police station pagsapit ng gabi

Pagadian, Philippines – Ipinaliwanag ng hepe ng pulisya sa lungsod ng Pagadian ang pagsarado ng kanilang cordion door pagsapit ng gabi.

Sa interview ng RMN Pagadian kay Psupt. Kiram Jimlani, inesyatibo nila ito upang hindi basta-bastang makapasok ang mga masasamang loob.

‘baka biglang mapasok tayo nakakahiya naman…’


Sinabi naman ni Jimlani na may mga tauhan siyang nakaduty 24/7 para sa may nais iparating sa kanilang opisina.

Una rito nakatanggap ng reklamo ang himpilan ng RMN Pagadian, sa akalang walang tao ang Pagadian City Police Station pagsapit ng gabi.
Nation

Facebook Comments