High-profile criminal at top 3 most wanted person, arestado sa lungsod ng Parañaque

Hawak na ngayon ng Parañaque City Police Station ang top 3 most wanted person at high-profile criminal sa Parañaque City.

Nakilala ang suspek na si Danilo Dayzon, 38 years old na nahuli sa kahabaan ng Rodriguez Avenue sa Barangay La Huerta.

Sa bisa ng warrant of arrest, arestado ang suspek sa ilalim ng criminal case no. 2023-0671 na inisyu ni Judge Leilani Dacanay ng regional trial court branch 294 ng Parañaque City.


Samantala, may inirekomendang piyansa na ₱200,000 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Facebook Comments