
CAUAYAN CITY – Arestado isang hinihinalang High Value Individual ang matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Don Tomas Maddela, Bayombong, Nueva Vizcaya.
Ang suspek, na kinilala sa alyas na Baby, 44 taong gulang at residente ng lugar, ay kabilang sa Municipal Target List ng Bayombong.
Nasabat sa operasyon ang humigit-kumulang 5 gramo ng hinihinalang shabu na may kabuuang halaga na P34,000. Kasama sa mga nakumpiska ang dalawang sachet ng droga, boodle money, isang tunay na P1,000 bill, at isang cellphone.
Isinagawa ang imbentaryo at pagmamarka ng ebidensya sa mismong lugar ng operasyon sa presensya ng mga opisyal ng barangay at media representatives upang matiyak ang transparency at legalidad ng proseso.
Samantala, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.