KABABAIHAN SA DIVILACAN, AKTIBONG LUMAHOK SA WOMEN’S ASSEMBLY AT SELF-ENHANCEMENT ACTIVITY

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng Women’s General Assembly at Self-Enhancement Activity ang Office of the Municipal Social Welfare and Development (MSWD) at PNP Divilacan na nilahukan ng mga kababaihan mula sa iba’t- ibang barangay ng Divilacan, Isabela.

Tampok sa aktibidad ang paghalal ng mga bagong officials ng Women’s Association upang maging boses at katuwang ng pamahalaang lokal sa pagsusulong ng mga proyektong makakabuti sa kababaihan.

Bukod dito, tinalakay din ng mga kinatawan ng Women and Children Protection Desk (WCPD) ng PNP Divilacan ang iba’t ibang batas tulad ng Republic Act No. 11930 o Anti-OSAEC and CSAEM Law at Republic Act No. 11596 o Prohibition of Child Early and Forced Marriage Act.

Layunin ng aktibidad na palakasin ang partisipasyon ng kababaihan sa komunidad at itaas ang kamalayan sa kanilang karapatan.

Facebook Comments