PBBM, maaaring maharap pa sa mas malaking problema kapag ipinilit na personal na magobserba sa BiCam ng 2026 Budget

Nagbabala si Senator Risa Hontiveros na posibleng lumala ang problema kapag ipinilit ni Pangulong Bongbong Marcos ang personal na pagbabantay sa proseso ng budget sa Bicameral Conference Committee.

Bunsod ng pagkwestyon sa nilalaman ng 2025 National Budget hanggang sa Korte Suprema, mismong si PBBM ay handang bantayan at obserbahan ang budget process para sa taong 2026.

Pero paglilinaw ni Hontiveros, walang papel ang Presidente bilang observer sa BiCam sa ilalim ng Konstitusyon at kapag ipinilit ito ay posibleng humantong sa paghahain ng kaso laban sa ehekutibo.

Sinabi ng mambabatas na kahit sabihing handa ang Pangulo, hindi niya pwedeng panghimasukan ang proseso ng budget dahil hindi ito pinapayagan ng saligang batas at ang “power of the purse” ay kapangyarihang taglay lamang ng Kongreso.

Facebook Comments