Aabot sa 120,000 healthcare worker sa bansa ang hindi pa nakakatanggap ng Special Risk Allowance (SRA).
Ayon kay Health Undersecretary at Treatment Czar Leopoldo Vega, ang bilang ng health workers sa bansa na dapat makatanggap ng SRA ay nasa 526,000.
Aniya, Hunyo pa nila sinimulan ang pamamahagi ng SRA sa halos 379,000 healthcare workers mula sa pampubliko at pribadong hospital sa bansa.
Paliwanag ni Vega, naglaan na ang Department of Health (DOH) ng kompensasyon sa higit 23,000 healthcare workers na nagka-COVID-19.
Dagdag din dito ang 379,000 health workers na nakatanggap na ng SRA.
Facebook Comments