Higit 700 loose firearms pinasagasaan sa pison sa Maguindanao

Pinagsisira sa pamamagitan ng pagpapasagasa sa pison at pagputol sa isang machine ang mga baril na kabilang sa sumailalim sa Balik Baril Program na kampanya ng 6th ID.

Sinasabing abot sa humigit kumulang sa 700 mga loose firearms ang pinagsisira sa Kampilan Division Ground kasabay ng demilitarization program ng 6th ID.

Nanguna sa programa si Major General Cirilito Sobejana , Commanding General ng 6th ID habang sumaksi rin sa aktibidad si Lt. General Arnel Dela Vega, Western Mindanao Commander at mga opisyales ng LGU na nasa ilalim ng AOR ng 6th ID.


Ang mga sinirang mga baril ay kabilang sa mga isinukong mga baril mula sa mga bayan ng Maguindanao magmula noong buwan ng Enero ngayong taon.

Ang aktibidad ay bahagi rin ng programa kasabay ng pagdiriwang ng ika 31st founding anniversary ng 6th ID .

Facebook Comments