Umabot sa 742 pasahero ang naitala ng Philippine Coast Guard (PCG) na stranded sa ilang mga pantalan sa bansa partikular sa bahagi ng Southern Tagalog at Bicol Region.
Ito ay dahil sa mga pag-uulang dulot ng Bagyong Karding.
Bukod sa mga pasahero, drivers at cargo helpers, nasa 19 na vessels at 10 motorbanca rin ang stranded.
Pansamantala namang sumilong ang 26 na vessel at 14 na motorbanca sa ibang mga pantalan upang hindi maapektuhan ang biyahe dahil sa bagyo.
Facebook Comments