Pamunuan ng LTO, nakikiramay sa pagpanaw ng dating pinuno nito

Nakikiramay ang buong pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) sa pagpanaw ng dating pinuno nito na si LTO Chief Engineer Alberto Suansing.

Sa inilabas na pahayag ng LTO, hindi malilimutan ang naging dedikasyon at pamumuno ni Asec. Bert sa kanilang tanggapan kung saan kanilang ipagpapatuloy ang mga naging adbokasiya nito.

Kabilang dito ang pagiging ligtas ng motorista at publiko sa mga kalsada.


Maging ang Department of Transportation (DOTr) at ibang organisasyon o samahan ng mga motorista ay hinangaan si Suansing sa mga nahawa nito sa LTO.

Bukod sa naging hepe ng LTO, naging chairman rin si Asec. Bert ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), consultant ng Toll Regulatory Board (TRB), secretary general ng Philippine Global Road Safety Partnership at naging senior consultant sa DOTr.

Facebook Comments