
Cauayan City – Nasamsam ng mga awtoridad ang higit P100,000 halaga ng shabu sa 6 na operasyon sa buong rehiyon dos.
Sa mas pinaigting na kampanya ng kapulisan kontra ilegal na droga, simula February 15-21 ngayong taon ay 7 drug personality ang nasake ng mga awtoridad.
Sa ikinasang mga operasyon sa iba’t-ibang lugar sa Rehiyon, nakumpiska ang kabuuang 18.15 grams ng shabu na mayroong standard drug price na P123,488.
Samantala, hindi tumitigil ang kampanya ng kapulisan kontra so ilegal na aktibidad na ito kaya naman hinihikayat rin nila ang publiko na makiisa sa mga awtoridad upang tuluyang mawakasan ang panganib na dala ng ilegal na droga.
Facebook Comments