Higit P14-B na supplemental loan para sa Davao City road bypass project, inaprubahan ni PBBM

Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang P14.6 Billion na supplemental loan o utang para sa konstruksyon ng Davao City road bypass project.

Sa sectoral meeting sa Malacañang ng NEDA board, inaprubahan ang pagbabago sa pondo at detalye ng proyekto.

Pinalawig din ang implementasyon ng proyekto hanggang December 21, 2027.


Dahil dito, umakyat na sa P70.8 Billion ang kabuuang halaga ng proyekto.

Inaasahang magiging 49 na minuto nalang ang magiging biyahe sa Davao City hanggang Panabo o vice versa, mula sa dating 1 oras at 44 minutes na biyahe.

Samantala, nagdagdag din ng 23 bagong proyekto sa Infrastracture Flagship Project habang 36 ang inalis sa listahan.

Sa kabuuan, nasa 185 ang IFPs na tinatrabaho ng pamahalaan na nagkakahalagang P9.14 trillion sa ilalim ng Build Better More program.

Facebook Comments