Higit P200-K na halaga ng iligal na droga, nasabat sa Caloocan

Hindi na nakapalag pa ang isang 27-anyos na binata matapos masakote dahil sa iligal na droga.

Nakilala ang naaresto na si Gerardo Senillo na residente ng Block 46 Lot 3, Northville 2 sa Valenzuela City.

Nadakip si Senillo sa ikinasamg operasyon ng Caloocan City Police Station sa Sitio Manggahan, Barangay 171.


Nakumpiska sa kaniya ang nasa dalaaang malaking sachet ng shabu na nasa 30 gramo ang bigat at nagkakahalaga ng P204,000.

Nabatid na matagal nang tinututukan ang suspek para malaman sana ang mga kasabwat nito pero dahil sa nakakatunog ito na asset ng pulis ang kaniyang ka-transaksyon ay muntikan nang makatakas pero naaresto pa rin ng mga awtoridad.

Facebook Comments