Higit P8-M halaga ng ecstacy, nasabat sa Pampanga

Timbog ang isang babae matapos makuhanan ng higit P8 milyong halaga ng ecstacy tablets sa buy-bust operation sa Lubao, Pampanga.

Kinilala ang suspek na si Katrina Mendoza Legaspi.

Sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), aabot sa 5,000 piraso ng ecstacy tablet ang nasabat kay Legaspi na nagkakahalaga ng P8.5 milyon.


Nakakulong na ang suspek na nakatakdang paharapin sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments