Saturday, November 21, 2026

Kasunduan para sa ligtas na digital space para sa kabataan, nilagdaan ng CICC at SSP

Magtutulungan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) at Safe Schools Philippines (SSP), para gawing ligtas ang digital space para sa kabataang Pilipino, sa pamamagitan cyber safety education, incident reporting at referral, at capacity building para sa mga magulang at guro.

Kasunod ito ng ilang insidente ng karahasan sa ilang paaralan sa bansa, at sa umano’y lumalalang banta ng mga mararahas na extremist group na tuma-target sa kabataan online.

Target ng kasunduan na mapalalim ang kaalaman ng mga paaralan, sa parental controls, nihilistic violent extremism, at age-appropriate digital safeguards, para mas mapabilis ang kanilang pagtukoy at pagtugon sa mga banta online.

Sa ilalim ng nilagdaang memorandum of agreement, nakatoka ang CICC sa pagbibigay ng technical expertise, resource persons, information materials, at iba pa, kaugnay ng cybercrime prevention, cyberbullying, online exploitation, lumalalang digital threats sa bansa, at marami pang iba.

Habang ang SSP naman ang mangunguna sa pagpapatupad ng inisyatibo, sa mga paaralan, parent-teacher associations, volunteers, at community partners.

Binigyang-diin naman ni SSP Chair Dr. Arlene Escalante-Eluwa, na hindi natatapos sa loob ng paaralan ang pagprotekta sa kabataan, bagkus ay kailangan din silang protektahan sa kanilang mga aktibidad sa digital space.

Facebook Comments