DALAWANG BARANGAY SA PANGASINAN, ISINAILALIM SA ORANGE CATEGORY

Isinailalim sa Orange Category ang dalawang Barangay sa lalawigan ng Pangasinan kaugnay sa magaganap na Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Lunes.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay Pangasinan Provincial Election Supervisor Atty. Marino Salas, ito ay matapos mapag usapan ng kanilang Joint Provincial Command kahapon kaugnay sa naging hiling ng PNP Pangasinan.
Ang dalawang Barangay ay ang Asin East sa bayan ng Malasiqui at ang Bayaoas sa bayan Aguilar kung saan ay nakapag tala ng mga insidente.

Ibig sabihin ay sa opsiyal, mas magiging mahigpit ang pagbabantay ng mga kapulisan dito dahil sa nasabing insidente.
Sa ngayon ay 100% handa naman na aniya ang Comelec Pangasinan sa magaganap na Election.
Matatandaan kamakailan ay pinatay ang isang incumbent Brgy. Kagawad na tumatakbong Kapitan sa Malasiqui habang nitong linggo lamang ay pinatay ang isang tumatakbong Kapitan sa bayan ng Aguilar.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments