Isinagawa ang pag-aresto noong Nobyembre 8, 2026 sa Agoo, La Union, sa bisa ng warrant of arrest na ipinatupad ng Regional Maritime Unit 1 (RMU1), sa pangunguna ng Aringay Maritime Law Enforcement Team.
Katuwang sa operasyon ang La Union Maritime Police Station, Luna Maritime Law Enforcement Team, 103rd Mobile Company ng Regional Mobile Force Battalion 1, at Baguio City Police Office.
Batay sa ulat, kabilang ang suspek sa Top 4 Regional Level sa Cordillera Administrative Region, Top 3 Provincial Level sa ilalim ng Baguio City Police Office, at Top 5 Municipal Level sa Station 6 ng BCPO.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek kaugnay ng nasabing kaso.
Matapos ipaalam sa kaniya ang dahilan ng pag-aresto at ang kaniyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at Anti-Torture Act of 2009, dinala ang suspek sa Baguio City Police Office para sa kaukulang dokumentasyon at karagdagang proseso. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








