Iba’t-ibang panig ng mundo, ipinagdiwang ang pagpasok ng 2019!

Maliban sa Pilipinas, ipinagdiwang din sa iba’t-ibang panig ng mundo ng pagpasok ng Bagong Taon.

Sa Australia, higit 1.5 million na katao ang nasilayan ang pinakamalaking fireworks display sa Sydney sa pamamagitan ng paggamit ng mga bagong effects na nagpa-ilaw sa papawirin sa loob ng 12-minuto.

Sa Hong Kong, libu-libong tao ang nananood sa Victoria Harbor para makita ang sampung minutong engrandeng fireworks display na nagkakahalaga ng $1.8 million.


Sa Indonesia, higit 500 couples ang ikinasal sa isinagawang libreng mass wedding habang kinansela ang fireworks shows bilang respeto sa mga biktima ng tsunami nitong December 22.

Sa Japan naman, inaantabayanan ang laban ni U.S. Boxing Superstar Floyd Mayweather kontra sa Japanese Kickboxer Tenshin Nasukawa.

Nasilayan ng maraming beses sa Russia ang pagpapapalit ng Bagong Taon dahil sa iba’t-ibang time zones nito.

Sa Moscow, isinagawa ang mga concerts at light shows at binuksan ang nasa 1,000 ice rinks.

Sa France, nakatakda ang fireworks display na may temang: ‘fraternity’ sa Paris.

Sa Germany, magsasagawa ng concert sa Brandenburg Gate.

Sa UAE, inaabangan ang fireworks sa pinakamalaking gusali sa buong mundo – ang Burj Khalifa habang susubukang kunin ng Ras Al-Khaimah ang Guinness World Record na ‘Longest Fireworks Show’.

Sa Brazil, magkakaroon ng 3D na may special light projections ang sikat na istatwa ni Christ the Redeemer sa Rio de Janeiro.

Facebook Comments