IBA’T IBANG TANGGAPAN SA PANGASINAN, NAKIISA SA FIRST QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

Nakiisa ang iba’t ibang tanggapan sa Pangasinan sa isinagawang First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) 2026 kung saan sabay-sabay na isinagawa ng mga kalahok ang “Duck, Cover, and Hold”, hapon noong Marso 12.

Layunin ng naturang gawain na mapalakas ang disaster preparedness ng mga ahensya at tanggapan, gayundin ang higit pang pagpapataas ng kamalayan ng publiko sa tamang hakbang na dapat gawin sa oras ng lindol.

Sa lungsod ng Dagupan, buong suporta ang ipinakita ng mga kawani ng lungsod at mga tanggapan, kabilang na ang City Disaster and Risk Reduction Management Office, Dagupan City Police Office at Department of Social Welfare and Development.

Kasama rin sa aktibidad ang first aid training kung saan binigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng first aid team na maaaring magbigay ng paunang lunas habang hinihintay ang pagdating ng mga emergency responder.

Samantala, patuloy namang nagpapatupad ang pamahalaang lungsod ng mga programang may kaugnayan sa paghahanda sa anumang sakuna upang higit na mapalakas ang kahandaan ng komunidad sa mga sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments