IED narecover sa Cotabato city noong weekend

Isang Improvised Explosive Deviced ang narecover noong sabado ng Cotabato City Police office at ng 5th Special Forces battalion ng itoy iniwan ng mga suspetsadong kalalakihan sa Sinsiuat avenue particular sa pagitan ng Aling Precy at Kuya Lito Kainan. Ayon sa inisyal na inbestigasyon ng PP2, dakong alas 7:30 noong sabado ng gabi habang nagsagawa ng foot patrol ang tropa ni 2Lt.Axalan ng Special forces sa naturang lugar ng mapansin nila ang ilang kahina-hinalang kalalakihan sa nasabing lugar, ng kanilang lapitan ang mga lalaki ay meron silang inihagis na bagay sa gilid ng nakatambak na basura at mabilis na kumaripas ng takbo at sumakay sa isang payong-payong na naghihintay na nagdiretso sa direction ng barangay RH-7 dahilan upang magbigay ng warning shot ang mga special forces. Nakita ng mga sundalo na umuusok ang hinagis na bagay ay ditto na sila tumawag ng EOD team habang dumating naman ang mga elemento ng PP2 matapos na makarinig ng putok ng baril. Nabatid sa pag-usisa ng EOD team sa inihagis na bagay ay itoy naglalaman ng bomba na yari sa 81mm mortar,na nakasilid sa isang malit na backpack, isang 9volts battery, isang detonating cap, at six inches na white deconating cord. Dakong alas 8:11 ng gabi ng muling binuksan ng EOD team ang Sinsuat avenue at dinala sa kanilang tanggapan ang narecover na bomba.Sa ngayon ay inaalam pa ng kapulisan kung sino ang nasa likod ng pag iwan ng bomba.Habang aalamin nila kung meron bang kuhang CCTV camera sa lugar.

Facebook Comments