Ikalawang araw ng RMN Biyahenihan, inaasahang dadagsain ng mga pasahero; mahigit 100 mga commuter naserbisyuhan, kahapon

Pumalo sa 109 na mga commuter ang nabigyan ng serbisyo sa pamamagitan ng libreng sakay sa unang araw ng pag-arangkada ng RMN Biyahenihan kahapon.

Ikinagalak ng 50 mga pasahero makaraang mabigyan ng sobre na may lamang P100 papremyo na hatid ng Alagang SeaOil.

Ngayong umaga ang huling promo ng dalawang araw na RMN Biyahenihan katuwang ang Alagang SeaOil, I-FM at DZXL Radyo Trabaho na umiikot mula West Point kanto Aurora Blvd. patungong Welcome Rotonda Quezon City.


Sinimulan na kanina ang pag-arangkada ng RMN Biyahenihan na nagsimula kaninang alas-6 ng umaga mula West Point Cubao Terminal ng mga jeep patungong Welcome Rotanda at binabaybay ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue.

Maswerte ang mga pasaherong na nakaupo sa may sticker na RMN Biyahenihan dahil malaking tulong sa kanila ang cash price na P100 na ibinigay ng RMN Biyahenihan katuwang ang Alagang SeaOil dahil nakatitipid anila siya bukod pa sa libreng sakay na hatid ng SeaOil.

Facebook Comments