Ilang baybayin sa bansa, nagpositibo sa red tide

Nagpositibo sa red tide toxic ang pitong baybayin sa bansa.

Sa inilabas na shellfish bulletin ng ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nakataas pa rin ang red tide warning sa katubigan ng Milagros, Masbate; Dauis at Tagbilaran sa Bohol; Damanquilas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay sa San Benito, Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur.

Dahil dito, pinag-iingat ng BFAR ang mga tao sa paghango at pagkain ng mga shellfish at alamang mula sa mga naturang baybayin na apektado ng paralytic shellfish poison o toxic red tide.


Matatandaang ang mga nabanggit na lugar ay nauna na ring nakasama sa listahan ng BFAR noong Mayo 27.

Paalala ng ahensya, ligtas namang kainin ang mga huling isda, hipon, at alimango basta at ito ay sariwa, nahugasang maigi, at natanggalan ng mga lamang loob bago lutuin.

Facebook Comments