P50,000 entry salary ng mga nurse, inihihirit!

68

Kinalampag ng Filipino Nurses United (FNU) ang administrasyong Marcos na taasan ang entry salary ng mga nurses sa p50,000 kada buwan.

Ayon kay FNU president Maristela Abenojar, ilalatag nila kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang ’10-point nurses’ kung saan top most agenda nito ang pagtaas ng sahod ng mga nurses na nasa pampubliko at pribadong ospital.

Pagdidiin kasi ni Abenojar, nasa ₱8,000 hanggang ₱10,000 lamang kada buwan ang sahod ng mga nurses na nasa pribadong ospital, habang ₱35,000 kada buwan ang sahod na nasa pampublikong ospital sa ilalim ng salary grade 15.


Babala naman ni Abenojar na posibleng bumagsak ang healthcare system ng bansa dahil sa “exodus” ng mga nurse para sa trabaho abroad.

Facebook Comments