Ilang lalawigan, nagpatupad ng total banned sa pag-aangkat ng baboy mula Luzon

Nabahala ang ilang lalawigan lalo na ang mga may iniingatang industriya sa pagbababoy matapos ang kumpirmasyon ng Department of Agriculture (DA) na African swine fever (ASF) ang dahilan ng pagkamatay ng baboy sa Rizal at Bulacan.

Dahil dito nagpatupad ng 100 days total banned sa pag-aangkat ng baboy ang Negros Occidental.

Ayon kay Ronnie Domingo, chief ng Bureau of Animal Industry (BAI), nasa batas at nauunawaan nila ang paghihigpit ng mga Local Government Units (LGUs) kung sila man ay magpatupad ng banned sa pag-aangkat.


Mas maganda rin aniya ang ginawa ng Negros Occidental upang hindi sila masingitan ng ASF.

Paliwanag ni Domingo, kadalasan mga backyard farm ang mabilis tamaan ng virus at ang Negros Occidental ay maraming backyard farm.

Base sa pag-aaral kaya umanong maka-survived ng virus sa loob ng 3 taon lalo na kung frozen meat.

Samantala, nagpatupad na rin ng temporary total banned sa pag-aangkat ng karneng baboy ang lalawigan ng Pangasinan.

Facebook Comments