Ilang mga opisyal ng barangay sa Maynila, mga nangunang pasaway sa clearing operation ng MMDA

Ang ilang mga pasaway na opisyal ng na barangay ang isa sa mga problemang itinuturo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Task Force Special Operations Chief Bong Nebrija matapos nilang suyurin ang university belt at ibang kalsada sa Maynila bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa susunod na linggo.

Ayon kay Nebrija, ilang beses na nilang nahuli ang isang kagawad sa Maynila na may-ari ng talyer pero patuloy itong nagiging dahilan nang pagkakaroon ng obstruction sa kalsada.

Sinani ni Nebrija, ultimo kapitan ng nasabing barangay ay walang magawa hinggil dito dahilan kaya magkakaroon ng pagpupulong ang lokal na pamahalaan ng Maynila at mga stakeholder para maglatag ng tamang solusyon sa naturang problema.


Aminado naman si Manila Vice Mayor Yul Servo na mahirap na usapin ang nasabing isyu dahil madalas ay kultura na sa Maynila ang mga ganitong klase ng insidente.

Pero umaasa ang bise alkalde na makakahanap ng paraan ang mga stakeholder para sa nasabing isyu.

Iginiit pa ni Vice Mayor Yul na maglalatag ng hakbang ang lokal na pamahalaan para magkaroon rin ng win-win solution sa pagtian nila at ng mga residente ng Maynila para walang magiging problema sa mga susunod na araw.

Facebook Comments