
Umaasa si House Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V na makakatulong si bagong Budget Secretary Kim Robert de Leon sa pagpapalakas ng transparency, pagmodernisa ng mga sistema at pagreporma sa prosesong may kinalaman sa pondo ng bansa.
Tiwala si Ortega na ang karanasan ni De Leon sa DBM, Department of Transportation, academe, at institutional reform work ay magdadala ng bagong sigla sa pamamahala ng pondo.
Paliwanag ni Ortega, ang DBM ang bantay-pinto ng pambansang pondo kaya kapag malinaw, malinis, at madaling masuri ang budget process, ay mas lumalakas ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.
Tiniyak naman ni Ortega na handa ang Kamara na makipagtulungan kay De Leon para sa mga repormang magpapalakas sa transparency, accountability, at people-centered budgeting.
Sabi ni Ortega, ito ay upang masigurong bawat piso ng taumbayan ay nagagamit nang maayos at may malinaw na pakinabang sa publiko.










